^

Bansa

Malaking pondo ng DOH, PhilHealth sa tobacco excise tax 'di pa nagagamit

- Malou Escudero - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Hindi pa nagagamit ang malaking pondo ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) mula sa tobacco excise tax para sa universal healthcare dahil hindi pa ipinalalabas ng budget department.

Ayon kay Sen. Ralph Recto, chairman ng Committee on Ways and Means, P12.5 bilyon ang subsidy na inilaan sa ilalim ng 2012 General Appropriations Act pero hindi pa ito ibinibigay sa PhilHealth kahit pa malapit ng matapos ang taon.

Sinabi pa ni Recto na habang pinag-aaralan nila kung paano ginagastos ng gobyerno ang excise tax collections mula sa alak at sigarilyo, natuklasan ng kaniyang komite na ang 2.5 porsiyentong share para sa mga health programs ng DOH na inilaan sa ilalim ng Republic Act 9334 ay hindi pa ipinalalabas sa DOH.

Inamin naman nina Health Secretary Enrique Ona at Health Undersecretary Alex Padilla na ang P12.5B subsidy at 2.5% share mula sa tobacco tax ay hindi pa parehong natatanggap ng DOH at ng PhilHealth.

Sa inaprubahang House Bill 5727 na sinusuportahan ng DOH at Department of Finance ang inaasahang buwis na makokolekta mula sa tobacco at alcohol ay aabot sa P32 bilyon kung saan P28 bilyon ang magmumula sa tobacco at P4 bilyon lamang ang mula sa alcohol.

Mula sa P32 bilyong incremental revenue, 15 porsiyento nito ay gagamitin umano sa mga programa para sa mga magsasaka at 85% para universal health care.

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPARTMENT OF HEALTH

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

HEALTH UNDERSECRETARY ALEX PADILLA

HOUSE BILL

PHILIPPINE HEALTH INSU

RALPH RECTO

REPUBLIC ACT

WAYS AND MEANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with