NPS, wawalis sa 'ghost employees'
MANILA, Philippines - Upang maalis na ang mga ghost employees sa gobyerno, pinamamadali ni House Deputy Speaker Erin Tañada ang implementasyon ng National Payroll System (NPS).
Ayon kay Tañada, kailangang obligahin ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang isumite ang kumpletong listahan ng lahat ng kanilang mga opisyal at empleyado na isasama sa kumprehensibong database ng government manpower.
Ang NPS ay ‘brainchild’ ni Budget Secretary Florencio Abad bilang bahagi ng pinaplanong government integrated financial management information system para maging transparent ang mga pinansiyal na transaksyon ng gobyerno.
Sa ilalim ng sistema ng NPS, hindi na ibababa pa sa mga ahensiya ang alokasyon para sa personnel services o pasuweldo kundi ang sahod ng mga empleyado ay ididiretso na sa kanilang bank account.
Bukod umano sa iwas ghost employees ito, iwas conversion din ng pondo dahil hindi magagamit ang pangpasweldo sa ibang bagay.
- Latest
- Trending