^

Bansa

P1.73 kwh tapyas sa kuryente

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inianunsiyo kahapon ng Manila Electric Com­pany (Meralco) na makakaranas ang kanilang mga kostumer nang pag­baba ng singil ng kur­­yente nga­yong Setyembre.

Ayon sa Meralco, ang mga residential customers nila na may consumption level na 200 kWh kada buwan ay magkakaroon ng P1.73 per kilowatthour(kWh) re­duction sa kanilang electric bills bunsod na rin ng pagbaba ng generation charge na kanilang binabayaran sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers (IPPs).

Ito na umano ang na­italang pinakamababang generation charge simula Marso.

Sa WESM ay bumaba mula P14.70 per kWh hanggang P8.74 per kWh bunga umano nang mababang demand ng kuryente dahil sa maulang panahon, mga long weekends nitong Agosto at availability ng hydro-electric power plants.

Ang charge naman ng IPPs ay bumaba rin ng P0.48 per kWh matapos na maibalik na sa normal ang operasyon ng Malampaya pipeline.

AGOSTO

AYON

INDEPENDENT POWER PRODUCERS

INIANUNSIYO

MALAMPAYA

MANILA ELECTRIC COM

MERALCO

SHY

WHOLESALE ELECTRICITY SPOT MARKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with