Magtipid sa tubig - Pagasa
MANILA, Philippines - Hiniling ng pamunuan ng Pagasa sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig.
Ayon kay Nathaniel Servando, administrator ng Pagasa, panahon na para magtipid sa paggamit ng tubig ang publiko dahil mananaig ang “below normal rainfall” sa halos parte ng bansa ngayong Setyembre bunga ng inaasahang pagpasok ng El Niño phenomenon o panahon ng tag-init.
Sinabi ni Servando, may 60-70 porsiyento na papasok ang El Niño sa bansa dahil sa mga senyales na namonitor sa nakalipas na tatlong buwan tulad ng pagiging below normal ng inaasahang ulan ngayong Setyembre.
Binigyang diin ni Servando na dapat pa ring mag-ingat ang publiko kahit na pumasok ang El Niño dahil ang super typhoon Ondoy at Pepeng noong 2009 ay naganap noong panahong ito.
- Latest
- Trending