Recom nagbabala sa sakit ngayong tag-ulan
MANILA, Philippines - Nagbabala si Caloocan City Mayor Enrico “Recom”Echiverri sa mga residente ng lungsod na mag-ingat sa mga sakit na nakukuha ngayong panahon ng tag-ulan partikular na ang leptospirosis at dengue na maaaring maging dahilan ng pagbuwis ng buhay.
Ang babalang ito ni Echiverri ay bunsod na rin ng inilabas na ulat ng Department of Health (DOH) na tumaas ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng sakit na leptospirosis at dengue sa panahon ng tag-ulan.
Sa ulat na inilabas ng DOH, tumaas ng 70.18% ang bilang ng mga taong nagkaroon ng sakit na leptospirosis kung saan ay umabot ito ng 2,374 ngayong taon kumpara noong 2011 na mayroon lamang na 1,395 simula January hanggang August 11.
Kabilang sa mga sintomas ng sakit na leptospirosis ay ang lagnat na aabot ng pito hanggang sampung araw, pananakit ng katawan lalo na ang mga binti, pananakit ng ulo, nahihirapang umihi, nahihirapang huminga at paninilaw ng mga mata.
Nakukuha rin ang sakit na ito sa paglusong sa mga tubig baha kung saan ay maaaring pumasok ang mikrobyo na nagmumula sa ihi ng daga at dumi ng iba pang hayop sa ating mga “open wounds”.
- Latest
- Trending