^

Bansa

17 OFWs na-trap sa Syria, 19 pa minaltrato sa Dubai balik Pinas na

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May 36 overseas Filipino workers na na-trap sa matinding bakbakan sa Syria at biktima ng pagmamaltrato sa Dubai ang magkasunod na dumating sa bansa kahapon.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), dumating dakong alas-4:47 ng hapon ang 17 Pinoy sa NAIA lulan ng Emirates Airways flight EK-332 mula Damascus, Syria habang ang 19 OFWs na nagmula sa Dubai, United Arab Emirates ay lumapag sa NAIA dakong alas-5:25 ng hapon sakay ng Gulf Air flight GF-156.

Ang 17 OFWs ay na-repatriate mula sa tulong ng Department of Foreign Affairs, Embahada ng Pilipinas at Rapid Res­ponse Team na naatasang maglikas sa may 7,000 Pinoy na naiipit sa matinding karahasan sa Syria matapos na ideklara ang mandatory evacuation kasunod ng crisis alert level 4.

Patuloy ang bakbakan sa Syria kaya pipilitin nilang maiuwi ang lahat ng Pinoy sa nasabing bansa.

Ang mga umuwing OFWs mula Dubai ay biktima naman ng pagmamaltrato at pang-aabuso ng kani-kanilang emplo­yer.

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DUBAI

EMBAHADA

EMIRATES AIRWAYS

GULF AIR

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PINOY

RAPID RES

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with