Smuggling ng yosi tuloy - Enrile
MANILA, Philippines - Naniniwala si Senate President Juan Ponce Enrile na hindi pa rin mawawala ang smuggling ng sigarilyo sa bansa kapag itinaas ang buwis sa sigarlyo.
Halos lektyuran kahapon ni Enrile si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa isyu ng “cigarette smuggling” sa gitna ng napipintong pagtaas ng buwis sa alak at sigarilyo.
Ayon kay Henares sa pagdinig ng Senate committee on ways and means tungkol sa “sin tax reform bill”, hindi magiging talamak ang smuggling ng sigarilyo kung tataasan ang buwis nito.
“There will be no smuggling because of higher taxes. Smuggling is a matter of governance or corruption kaya may smuggling...smuggling is not related to price but to corruption and governance,” pahayag ni Henares sa pagdinig ng komite.
Pero agad na kinontra ni Enrile ang pahayag ni Henares dahil nangyari na umano ang talamak ng smuggling noong dekada 70. Partikular na tinukoy ni Enrile ang smuggling na nangyari sa Cavite at Batangas.
Sinabi ni Enrile na hindi pa rin makokolekta ng BIR ang nais nilang buwis kung hindi mapipigilan ng PNP at gobyerno ang smuggling.
Nilinaw ni Enrile na wala siyang pinoprotektahan sa kanyang posisyon sa sin tax bill kundi nais lamang nitong ma ging patas sa lahat.
Nauna rito, nagbabala si Atty. Carmen Herce, ng Philip Morris Fortune Tobacco Corp. na magkakaroon ng “black market” sa bansa kung ipapatupad ang sin tax reform bill sa bansa.
- Latest
- Trending