Pinay na nakapatay sa Kuwait, 22 pa laya na sa pardon
MANILA, Philippines - May 23 overseas Filipino workers kabilang ang isang Pinay na nakapatay at pawang mga nakulong ang nakalaya na matapos na mabigyan ng pardon ng Kuwaiti government.
Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang OFW na si Minerva Tayag na nakasuhan ng murder at nakulong ng limang taon at limang buwan kasama ang 22 pang Pinoy na may mga minor cases ang ganap nang nakalaya at nakauwi sa Pilipinas sa ilalim ng repatriation program ng Kuwaiti government.
Nabatid na pinagbigyan ng pamahalaang Kuwaiti ang kahilingan ng Embahada para sa Amiri Pardon ng mga nasentensyahang OFWs noong National Day ng Kuwait nitong Pebrero.
Dumating ang mga OFWs sa magkahiwalay na flights noong Agosto 14 ng alas-4:35 ng hapon at alas-10:10 ng gabi.
- Latest
- Trending