Mini-hydro electric power plant sisimulan
MANILA, Philippines - Pormal nang nagpirmahan ang National Irrigation Administration (NIA), Department of Energy (DOE) at ang pribadong kumpanyang JICA para pasimulan ang proyektong mini-hydro electric power plant sa mga irrigation system sa bansa.
Sinabi ni NIA Administrator Antonio Nangel, ang proyekto na nasa partnership ng DOE sa ilalim ni Kalihim Rene Almendras, JICA at NIA ay malaki ang maiaambag para makatulong sa krisis sa enerhiya sa bansa lalo na sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Nangel, sinimulan na ng JICA company ang feasibility study sa proyekto at pagkatapos ng anim na buwan ay isusumite sa DOE at NIA. Ipapasa rin ng JICA kung magkano ang aabuting gastos sa pagpapatayo ng mga mini-hydro electric power plant.
Magsisimula ang proyekto sa 2013 at inaasahang sa 2014 ang kuryente rito ay maari nang mapakinabangan.
- Latest
- Trending