^

Bansa

Pnoy at Binay okay pa

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa gitna ng kumakalat na isyu na target umano ng demolition job ng Malacañang si Vice President Jejomar Binay, nilinaw kahapon ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na nanatiling maganda ang relasyon ni Pangulong Benigno C. Aquino III at ni Binay.

“Alam ninyo maganda ho ‘yung, ano, relasyon ng Pangulo at ng ating Pa­ngalawang Pangulo. Nakita naman po niya ‘yan,” sabi ni Valte sa Radyo ng Bayan.

Inihayag din ni Valte hindi nila alam kung saan nanggagaling ang sentimiyento ni Binay na pinag-iinitan ito ng Malacañang.

“Hindi ko po kasi alam. Personally, we are not privy kung ano po ‘yung---kung saan ho nanggagaling ‘yung sentimyento ng ating Pangalawang Pangulo. Siguro po, siya na lang din po ‘yung tanungin natin kung meron pa po bang elaboration or anything to that effect. Mukha hong nag-uugat ho ito doon sa sinasabing audit daw po yata nung proyekto nung siya po ay mayor pa ho ng Makati,” sabi ni Valte.

Napaulat na sinabi umano ni Binay na ipinarating mismo sa kaniya ni Senate President Juan Ponce Enrile na ito na ang target ng Malacañang matapos mapatalsik sa posisyon si Chief Justice Renato Corona.Nilinaw ni Valte na hindi naman pinapatungkulan ni Binay na ang Pangulo ang mismong nasa likod ng demolition job laban sa kaniya.

“Ngunit sinabi naman din po ni VP Binay na wala hong nagpapatungkol sa Pangulo on that note. So meron po yata kasing mga lumabas na report to that effect and si VP Binay po ‘yung nagsabi mismo na, “ay, wala hong kinalaman ang Pangulo dito,” dagdag ni Valte.Idinagdag pa ni Valte na bahagi ng official fa­mily ng Presidente si Binay at maliwanag naman na nakatutok ito sa kanyang trabaho bilang miyembro ng Gabinete.

vuukle comment

ABIGAIL VALTE

BINAY

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEPUTY PRESIDENTIAL

MALACA

PANGALAWANG PANGULO

PANGULO

PANGULONG BENIGNO C

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with