^

Bansa

US military bases sa Phl bubuhayin!

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinitingnan na ng Ame­rika ang muling pagbuhay ng kanilang dating base militar sa Clark sa Angeles City, Pampanga at Subic sa Olongapo City, Zambales.

Inihayag ni US Chief of Naval Operations Admiral Jonathan Greenert ang plano ng Amerika na gamitin ang Clark Air Base at dating US Naval Base sa Subic Bay upang magsilbing “springboard” sa kanilang gagawing pagpapaigting ng pagbabantay sa Asia-Pacific region lalo na sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni Gree­net na dahil sa “maritime domain awareness flights” ng US forces sa nasabing rehiyon ay pinag-aaralan na ang paggamit sa mga dating base militar.

Hindi naman nagkomento si Greenet kung kinakailangan nang mag-deploy ng mga sunda­long Amerikano sa lugar bagaman una nang umal­ma ang China sa pakikialam umano ng US sa territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ang nasabing hakbang umano ng US ay bilang istratehiya ng kanilang depensa para sa mga magaganap na hamon sa mga darating na panahon.

Agad namang nag-react ang Chinese Foreign Ministry na bagaman bukas sila sa nasabing hakbang ng US ay dapat umanong irespeto nito ang interes ng mga bansang sangkot sa territorial dispute.

Magugunita na pinalayas ng Pilipinas ang mga sundalong Kano sa Subic Bay Naval Base noong 1991 at Clark Air Base noong 1992.

ANGELES CITY

CHIEF OF NAVAL OPERATIONS ADMIRAL JONATHAN GREENERT

CHINESE FOREIGN MINISTRY

CLARK AIR BASE

NAVAL BASE

OLONGAPO CITY

PILIPINAS

SOUTH CHINA SEA

SUBIC BAY

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with