Cyber bullying pinamamadali
MANILA, Philippines - Pinamamadali nina Buhay party-list Reps. Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde ang pagpasa ng panukalang cyber bullying upang matugunan ang lumalang problema na may kinalaman sa internet at mga social networking sites.
Sinabi nina Tieng at Velarde, dapat madaliin ng Kamara ang pagpapasa ng House Bill 6116 dahil na rin sa mabilis na development ng information and communication technologies na bagong uri ng pang lipunang sakit na mabilis na kumakalat o mas kilala sa tawag na cyber bullying.
Sa pamamagitan lamang umano ng paggamit ng cell phones at social networking sites ay nakakapaglagay na ng hindi magagandang komento sa mga litrato na nakikita ng publiko.
Paliwanag ng mga mambabatas, ang “cyber bullying attacks” ay mas masakit dahil hindi kaagad ito nabubura sa internet kayat napapaaway ang mga biktima ng ilang buwan o halos taon na.
Ang cyber bullying ay pagkakasangkot ng isang indibidwal sa pagmamalupit sa pamamagitan ng paggamit ng internet o iba pang digital technologies at paulit-ulit na pagpapadala ng mga nakakahiya, pambabastos, malalaswa, pang iinsultong mensahe at pananakot sa biktima.
- Latest
- Trending