^

Bansa

Ban sa paggamit ng plastic bag minamadali ng Senado

- Malou Escudero - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Dahil sa malimit na pagbaha sa Metro Manila, minamadali na ngayon ng Senado ang pagpasa ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng mga non-biodegradable plastic bags na hindi nakakabuti sa kalikasan.

Natapos na ng Senate committee on trade and commerce ang report sa panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng mga plastic bags lalo na sa mga groceries, supermarkets, public markets, restaurants at department stores.

Nakapaloob ang panukala sa pinagsama-samang Senate Bill No. 1103 nina Senators Manny Villar, SB No. 1543 ni Mi­riam Defensor Santiago, SB 2749 ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at SB 2759 ni Loren Legarda.

Ayon kay Villar, malaki ang naidudulot na pinsala ng mga plastic bags na palaging nagiging sanhi ng pagbabara ng mga estero at mga kanal.

Matatandaan na sa siyudad ng Muntinlupa unang ipinatupad ang ban sa paggamit ng mga non-biodegradable plastic bags.

Nakumpirma sa pagdinig ng komite na nabawasan na ang matinding pagbaha sa Muntinlupa dahil nabawasan kundi man nawala ang mga plastic bag na bumabara sa mga drainage.

AYON

BONGBONG

DEFENSOR SANTIAGO

LOREN LEGARDA

MARCOS JR.

METRO MANILA

MUNTINLUPA

SENATE BILL NO

SENATORS MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with