Minsanang eleksiyon giit
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagdaraos na lamang ng minsanang eleksyon sa lahat ng posisyon sa gobyerno upang maiwasan na ang paggastos sa kampanya.
“We need to repair our political structures particularly the very frequent elections dahil napakalaki ng gastusin, iba’t iba ang period. Dapat minsanan lamang,” wika pa ni Sen. Enrile.
Sabi ni Enrile, napakaraming halalan sa bansa na magkakahiwalay tulad ng eleksyon sa ARMM, Sangguniang Kabataan, Barangay, senatorial at congressional polls at local positions.
Muli ring binuhay ni Enrile ang panukalang Charter Change para sa lalong ikabubuti ng ekonomiya ng bansa. Aniya, kailangang buksan ang ekonomiya sa mga foreign investors upang makalikha ng mas maraming trabaho.
- Latest
- Trending