^

Bansa

Kaso ng Maguindanao massacre 10 taon pa?

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Atty. Harry Roque  na isang international human rights lawyer na posibleng  abutin pa ng mahigit 10 taon ang kaso ng mga akusado sa Maguindanao massacre na naganap noong Nobyembre 2009 kung saan humigit-kumulang 50 ang nasawi kabilang ang mahigit 30 mamamahayag sa bansa.

Ayon kay Roque, mabagal ang pag-usad sa kaso dahil sa 196 na akusado, 97 pa lamang dito ang naaresto kung saan 72 pa lamang ang nababasahan ng sakdal.

Sinabi pa ni Roque, abogado ng mga pamilya ng biktima ng masaker na, sa 300 testigo nila, 84 pa lamang ang naisasalang sa korte.

Kaugnay nito, humingi na ng tulong ang isang international human rights lawyer sa Pangulong Aquino na personal na itong makialam sa usapin ng Ampatuan massacre sa Maguindanao.

Paliwanag ni  Roque, hindi sapat na ipag-utos lamang ng Pangulo ang pagtutok sa kaso dahil umiiral ang culture of impunity ngayon bunsod nang hindi napaparusahan ang mga may sala sa iba’t ibang kaso lalo na ng extra judicial killings.

“Nalulungkot kami sa sunud-sunod na pagpatay sa mga testigo ng massacre at posibleng matakot na ang iba pa na lumutang dahil sa hindi sila nabibigyang proteksyon ng gobyerno,” ani  Roque.  

AMPATUAN

AYON

HARRY ROQUE

KAUGNAY

MAGUINDANAO

MALAKI

NALULUNGKOT

NOBYEMBRE

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with