^

Bansa

Presyong Divisoria sa bagong Langaray People's Market

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magbubukas na bukas (Linggo) ang bagong Langaray People’s Market sa Barangay Longos sa Malabon City.

Inaasahan na ang pagpapasinaya ay dadaluhan ng mga lokal na opisyal at ilang showbiz personalities sa pangunguna ng aktor na si Patrick Garcia.

Ang wet & dry market na matatagpuan sa Langaray street ay may lawak na 3,500 square meters na matatagpuan ang halos 300 market stalls na garantisadong mababa ang presyo ng mga bilihin, partikular na ang mga gulay, dahil ito ay magiging ‘bagsakan’ ng mga sariwang produkto mula sa Baguio City.

Makakabili din dito ng mga sariwang karne at isda sa mababang halaga.

May Piso Internet Shop din sa bagong pamilihan, mga ibat-ibang food stalls at foodcarts para sa mga pagkain na pasok sa budget ng mamimili.

Bukod dito, ang pamilihan ay malinis at ligtas dahil ito ay nasa pangangasiwa ng True North Builders.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BARANGAY LONGOS

BUKOD

INAASAHAN

LANGARAY PEOPLE

MALABON CITY

MAY PISO INTERNET SHOP

PATRICK GARCIA

TRUE NORTH BUILDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with