^

Bansa

Inaprub na sin tax magpapalala ng unemployment?

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagbabala si Anakpawis Rep. Rafael Mariano na ang pagtaas ng buwis ng tabako ay maaari umanong magpalala sa unemployment problem ng gobyerno hindi lamang para sa tobacco industry kundi maging sa mga sector at industriya na nakadepende dito.

Ayon kay Rep. Mariano, maituturing umano na panggigipit o regressive ang inaprubahang panukala sa pag-aakalang ito ang paraan upang madagdagan ang pondo para sa universal health program ng Aquino government sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF).

Bukod dito, ang pa­ngunahing layunin lamang umano ng six tax ay makaipon ng mas malaking pondo at hindi ang problema na may kaugnayan sa pang  kalusugan sa paggamit ng sigarilyo at alak.

Para naman kay Ba­yan Muna Rep. Neri Col­menares, hindi tugon ang pagpapataw ng dagdag buwis kungdi magdudulot aniya ito ng paglala ng smuggling sa sigaril­yo gaya ng naganap sa Singapore, Malaysia at United Kingdom.

ANAKPAWIS REP

AQUINO

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF FINANCE

MARIANO

MUNA REP

NERI COL

RAFAEL MARIANO

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with