'Dindo' bagyo na
MANILA, Philippines - Ganap nang bagyo na tatawaging “Dindo” ang namataang sama ng panahon na patuloy na minamanmanan ng Philippine Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA).
Alas-4:30 ng hapon kahapon ng maging bagyo ang nasabing sama ng panahon na namataan 670 km sa East Northeast ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging 55 km bawat oras at gumagalaw sa lakas na 19 km per hour.
Partikular na maapektuhan ng nasabing bagyo ang Northern Luzon at Eastern Luzon sa bansa, kung saan siya patuloy na tumatahak.
Kung tatama ang bagyo sa kalupaan ay magdudulot ng malakas na pag-ulan sa apektadong mga lugar.
Kaya muling nagbabala ang PAGASA sa mga residente na naninirahan sa mababang lugar na mag-ingat sa pagbaha at posibleng pagguho ng lupa.
- Latest
- Trending