^

Bansa

HK vessel panagutin!

Nina Gemma Garcia at Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dapat umanong mag­­sampa ng kaso ang Pilipinas laban sa Hong­kong registered vessel dahil sa pagkakabangga nito sa bangka ng mga Pinoy sa Panatag Shoal kung saan nagresulta sa pagkamatay ng isang mangingisda.

Ayon kay Parañaque Rep. Roilo Golez, kaila­ngang matunton ng gob­yerno ang ship master ng barko at kasamang papanagutin sa batas.

Dalawa umano ang maaring isampang kaso ng gobyerno tungkol dito, una ang reckless imprudence resulting in death at failure to aid boat in distress.

Namatay sa insidente si Christopher Carbonel, tatlo ang sugatang nasagip at apat pa ang nawawala. Ang mga ito ay pawang residente ng Bolinao, Panga­sinan na dumayo lamang sa pangingisda sa teritor­yong pinagtatalunan ng Pilipinas at China.

Hinikayat naman ni Golez ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan kung maaring ihain ang kaso sa Philipine Board of Marine Inquiry dahil nangyari ang insidente sa loob ng Exclusive Economic zone subalit labas naman ng territorial sea ng bansa.

Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na malinaw na nilabag ng crew ng HK vessel ang international law nang iwan at hindi tulungan ang mga Pinoy matapos mabangga ang bangka ng mga ito.

Para kay Colme­na­res sa International Tribunal in the Law of the Sea o ITLOS dapat magsampa ng kaso ang Pilipinas kaugnay ng nasabing insidente.

Sa kabila into, nilinaw naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na aksidente lang ang nangyari.

Ayon kay Gazmin, ma­lakas umano ang alon at sa sobrang liit ng bangkang pangisda ng mga Pinoy ay hindi ito napansin ng mga sakay ng M/V Peach Mountain.

Sinabi naman ni Navy Chief Vice Admiral Alexander Pama na mahigit sa 90 barko at mga bangka ang dumaan sa lugar kaya mahirap matukoy kung sino talaga ang nagmamay-ari ng dayuhang barko na nakabangga sa mga ma­ngingisdang Pinoy.

AYON

BAYAN MUNA REP

CHRISTOPHER CARBONEL

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DEPARTMENT OF JUSTICE

EXCLUSIVE ECONOMIC

PILIPINAS

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with