Spanish isasama sa HS curriculum
Manila, Philippines - Balak ni Senator Edgardo Angara na isulong ang pagsasama sa High School curriculum ng subject na Spanish.
Ayon kay Angara, mahalagang maisama ang Spanish sa basic education curriculum lalo na sa mga pampublikong paaralan.
Marami na umanong mga private high school ang nagtuturo ng foreign language class at logical lamang na magkaroon din ng ganito sa mga public high school.
Maaring isama ang Spanish sa bagong K12 curriculum partikular sa Grades 11 at 12.
“The potential for introducing Spanish into the new K to 12 curriculum is good. There are three tracks in this new curriculum: arts, sports and technical-vocational.We can integrate Spanish into the arts track for Grades 11 and 12 so that students can learn a foreign language as early as high school,” pahayag ni Angara, chairman ng Senate Committee on Education, Arts and Culture.
Kung masisimulan umano ang pagtuturo ng Spanish sa lahat ng public high school magiging preparasyon na ito para sa mas advanced na language classes sa kolehiyo.
Ang Spanish din umano ang second language kasunod ng English na pinag-aaralan ng mas maraming tao sa mundo. Spanish din ang ikalawang “most widely spoken native language” kasunod ng Chinese.
- Latest
- Trending