^

Bansa

Mga guro, i-exempt sa bagong dress code sa government employees

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaapela ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) sa Civil Service Commission (CSC) na i-exempt ang mga guro sa ipinaiiral nilang bagong dress code para sa mga government employees.

Sa inilabas na Memorandum Circular ng CSC, ang mga government employees, kasama na ang mga public school teachers, ay nire-require na magsuot ng ASEAN-inspired attire tuwing ­unang Lunes ng buwan at Filipiniana-inspired attire naman sa mga susunod pang Lunes.

Gayunman, mariin itong tinututulan ng TDC dahil hindi anila ito akma sa mainit na panahon sa bansa, bukod pa sa magiging karagdagan itong pasanin para sa mga titser.

Sinabi ng TDC na ang naturang dress code ay hindi praktikal para sa public school teachers dahil karamihan sa mga pampublikong paaralan sa bansa ay walang maayos na bentilasyon.

Hindi rin anila itong akmang isuot ng mga guro dahil na rin sa physical demands ng kanilang trabaho.

Binigyang-diin din niya na ang DepEd ay una na rin nagtakda ng ispe­sipikong uniporme sa mga guro at mababalewala ito kung susundin ang bagong dress code ng CSC.

EMPLOYEES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with