National Cancer Institute ipatatayo
MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagdami ng mga Pinoy na namamatay sa sakit na cancer, kaya isinulong na sa Senado ang pagtatayo ng National Cancer Institute of the Philippines.
Sa Senate Bill No. 3223 na inihain ni Senator Gregorio Honasan II, sinabi nito na base sa “2010 Philippine Cancer Facts and Estimates”, 82,468 na Filipino ang nagkaroon ng cancer sa Metro Manila at Rizal kung saan 52,000 sa mga ito ang namatay dahil sa nasabing sakit o kumplikasyon na dala nito.
Hindi pa umano kasama sa nasabing bilang ang mga Pinoy na nagkaka-cancer sa ibang lugar sa bansa lalo na sa Visayas at Mindanao na kasama sa pinakamahihirap na rehiyon sa bansa.
Pangatlo na ang cancer sa dahilan ng pagkamatay ng maraming Filipino.
Base umano sa health statistics ng World Health Organization noong 2008, ang cancer ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa mundo kasunod ng heart disease.
- Latest
- Trending