^

Bansa

Marriage proposal sa NAIA

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang puwedeng humadlang sa pag-iibigan ng isang porter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang nobya nito matapos dumating galing Milan, Italy sakay ng eroplanong Singapore Airlines sa terminal 1 ng paliparan, kahapon.

Nag-ala-Romeo and Juliet ang dalawa nang magkita sa NAIA terminal 1 matapos yayain ni Jun Raymundo 30 year old ang syota niyang si Mutya Araja, 28, isang crew sa isang multi- national food chain sa Italy na magpakasal na silang dalawa.

Pumayag naman si Mutya sa gustong kasal ni Raymundo nang lumabas ang dalawa sa arrival lobby ng paliparan ay nagsilapit naman ang mga kaibigan nila na may suot pang t-shirt na may malaking titik “I Love You Mutya.”

Ang iba naman nilang kaibigan ay may mga dalang streamers at may nakasulat na “Mutya Araja Will You Marry Me?”

May dalawang dosenang kulay pulang bulaklak na rosas ang ibinigay ng mga porters kay Mutya samantalang akap-akap naman ni Raymundo ang kasintahan nito habang naglalakad patungo sa kanilang sasakyan.  

vuukle comment

I LOVE YOU MUTYA

JUN RAYMUNDO

MUTYA

MUTYA ARAJA

MUTYA ARAJA WILL YOU MARRY ME

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PUMAYAG

RAYMUNDO

ROMEO AND JULIET

SINGAPORE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with