^

Bansa

News crew hawak ng Abu!

Nina Rudy Andal at Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Palasyo ng Malakanyang na hawak nga ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang foreign journalist na isang Jordanian national at dalawa nitong Pinoy crew na ilang araw na ring nawawala.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakatanggap sila ng impormasyon na nasa ‘kuta’ ng ASG ang Jordanian TV reporter na si Baker Abdulla Atyani, Bureau Chief ng Al Arabiyah Southeast Asia television network na nakabase sa Dubai.

Kasama ni Atyani ang dalawa niyang Pinoy crew na sina Rolando Letrero at Ramelito Vela.

Gayunman, hindi makumpirma ni Lacierda kung ‘kinidnap’ ang tatlo o sadyang nanatili lamang sa kuta ng mga bandido sa Sulu.

Sinabi ni Lacierda, kung sakali mang dinukot talaga ng ASG ang tatlo ay nanindigan ito sa umiiral na “no ransom policy” na ipinatutupad ng gobyerno.

Ginawa ni Lacierda ang pahayag matapos lumutang ang umano’y P50-milyong ransom demand ng mga bandido kapalit ng paglaya ng mga biktima.

Sa hiwalay na pana­yam sa Malacañang, si­nabi ni PNP Chief Nicanor Bartolome na wala pa silang natatanggap na impormasyon kaugnay sa ransom demand kaya hindi pa nila idinideklarang isang kaso ng Kid­napping for Ransom (KFR) ang pagkawala ng tatlo.

Katuwang na ng PNP ang AFP sa paghahanap sa nasabing mga journa­list na nawala matapos umakyat sa bundok upang makapanayam ang ilang lider ng ASG.

Nabatid na si Atya­ni ay maraming beses nang nakapagsagawa ng eksklusibong interview sa mga lider ng ASG at ilang beses na rin umakyat at labas-masok sa ‘kuta’ ng mga bandido.

Napag-alaman din na noong nabubuhay pa ang Al Qaeda lider na si Osama bin Laden ay maraming beses din na-interview ni Atyani.

ABU SAYYAF GROUP

AL ARABIYAH SOUTHEAST ASIA

AL QAEDA

ATYANI

BAKER ABDULLA ATYANI

BUREAU CHIEF

CHIEF NICANOR BARTOLOME

LACIERDA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with