Pagbibigay ng pondo sa political party sinopla
MANILA, Philippines - Haharangin ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang panukalang batas na naglalayong tulungan ng gobyerno at bigyan ng pondo ang mga partidong pulitikal.
Ayon kay Escudero, hindi siya pabor sa panukala lalo pa’t mas maraming dapat pagkagastusan ang gobyerno.
Hindi aniya dapat isama sa mga prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga political parties na gagastusin lamang sa eleksiyon.
Marami anyang puwedeng paglaanan at paggastusan ng pondo ang pamahalaan kaya hindi na dapat isulong ang panukala.
Bagaman tutol siya sa pagbibigay ng subsidiya sa mga political parties sa bansa, pabor naman si Escudero sa mga political party reform act upang mabago na aniya ang mga partido pulitikal.
Matatandaan na pumasa na sa komite sa Senado ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng subsidiya ang mga political parties sa bansa upang hindi na umano umasa sa mga kontribusyon ng mga pribadong in dibiduwal na kalimitang naniningil ‘pag nanalo ang kandidato.
- Latest
- Trending