Cruzada sa pagbabago ng Marikina
MANILA, Philippines - Patuloy sa pag-ani ng suporta ang isang cruzada sa lungsod ng Marikina na pinasimulan ng mga ordinaryong mamamayan upang labanan ang iba’t ibang uri ng katiwalian anim na buwan na ang nakararaan.
Layon ng ‘Ang Balikatang Cruzada (ABC) na hikayatin ang mga mamamayan na kumilos laban sa katiwalian upang magkaroon ng mahusay na serbisyo sa taong bayan. Aktibo ngayong kumikilos ang ABC upang magsagawa ng malawak na information drive upang ma-educate ang mga mamamayan tungo sa maayos na pamumuhay at isang tapat na pamahalaan.
Nagsagawa din ng konsultasyon ang cruzada at napiling hikayatin si Dr. Alfredo “Boy” Cheng na maging honorary chairman dahil sa layunin nitong makapaglingkod sa taumbayan. Isa din sa mga adhikain ni Cheng ang pagkakaroon ng good governance, transparency at mas malawak na people empowerment. Sa mga nais pang sumama at sumuporta, mag-text sa 0932-3624250 at mag-join sa fan page sa Facebook just click ABC.
- Latest
- Trending