'Ambo' nabuo na
Manila, Philippines - Nabuo na bilang bagyo ang namataang Active Low Pressure Area (ALPA) dahilan para magdulot ng pag-ulan sa katimugang bahagi ng bansa partikular na sa Bicol Region.
Ang nasabing bagyo na tinawag na “Ambo” ay namataan sa Borongan, Eastern Samar.
Ayon kay Nickos Penaranda, PAGASA weather forecaster, si Ambo ay kumikilos pahilaga sa bilis na 17 kilometro bawat oras, taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga ang bagyo ay nasa 420 kilometers North Northeast ng Virac, Catanduanes o 310 kilometers Northeast ng Casiguran, Aurora.
Magdadala naman ng may 10 to 15 mm dami ng ulan kada oras ang naturang bagyo sa loob ng tinatayang limang araw na pananalasa sa bansa.
Sinabi ni Penaranda na maari pa umano na lumakas ang bagyo sa loob ng 24 oras habang nananatili ito sa karagatan ng bansa.
Nakataas naman ang public storm signal number 1 sa Catanduanes.
- Latest
- Trending