Marcos: Kidnap-slay ni Anson Que imbestigahan!

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang panibagong kaso ng kidnapping at pagpatay sa negosyanteng Filipino-Chinese na si Anson Que at drayber nito sa Rodriguez, Rizal.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, aaksyunan ng gobyerno ang kaso ni Que.
“Patuloy po ang pag-iimbestiga po dito. Hindi po ito tutulugan ng gobyerno. Ang lahat po na nagaganap dito ay pinagbilin po ng Pangulo na dapat imbestigahang mabuti para po ma-lessen o ma-eradicate ang mga ganitong klaseng krimen dito sa Pilipinas,” pahayag ni Castro.
Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group na hahawak sa high-profile case.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ng dalawa na nakasilid sa sako at naka-duct tape ang mga mukha.
- Latest