1 pang Pinoy nasawi sa Myanmar quake - DFA

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng ikalawang OFW sa naganap na magnitude 7.7 lindol sa Myanmar.
Ayon sa DFA, ang ikalawang nasawi ay kabilang sa apat na Pinoy na nawawala matapos ang malakas na lindol.
Ipinabatid sa DFA ng Philippine Embassy sa Yangon, Myanmar ang positibong pagkakakilanlan ng mga labi ng biktima.
Sinabi rin ng DFA na agad na ipinaabot sa pamilya ang ulat at hiniling nila sa media na irespeto ang kanilang privacy.
“The family of the deceased Filipino has been informed. They have requested the media to respect their privacy in this very difficult time,” saad ng ahensya,” anang DFA sa statement.
“Out of respect for the wishes of the family, the Department is unable to provide any further details,” dagdag pa nito.
Kinumpirma kamakalawa ng DFA ang pagkakakilanlan ng isa pang Pinoy na nasawi sa lindol sa Myanmar.
Ayon sa ulat, nanatiling nasa 148 katao pa ang nawawala sa nangyaring malakas na lindol noong Marso 28 kasama ang 2 pang Filipino.
- Latest