^

Bansa

500 mahihirap nabiyayaan ng feeding program ni Maganto

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Mahigit 500 batang mahihirap sa Baseco compound sa Tondo, Manila ang nabiyayaan ng Have Faith Volunteers Kid’s Feeding Program kahapon ng umaga.

Sa ilalim ng pamumuno ni Faith Maganto, anak ng sikat at magiting na retiradong heneral na si Gen. Romeo Maganto, mahigit 500 bata ang sabay-sabay na pinakain ng grupo ni Faith.

“Ito ang aking paraan ng pasasalamat sa kanila. Ibinabalik ko lang ang mga biyayang aking natatanggap,” pahayag ni Maganto.

Si Maganto, na kila­lang pilantropo, ay siya ring tumutulong sa mga preso sa New Bilibid Pri­son (NBP) para gawing “world-class” ang mga produktong gawa ng mga preso sa loob ng kulu­ngan.

Nagpasalamat kay Ma­ganto ang mga pamilya ng 500 bata na nabigyan ng nutrisyon. Mainit ding tinanggap ang grupo ni Maganto ng mga residente sa Baseco compound.

Ipinangako naman ni Maganto na tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong sa mga mahihirap lalo na sa kanilang lugar sa Maynila.

BASECO

FAITH MAGANTO

FEEDING PROGRAM

HAVE FAITH VOLUNTEERS KID

IBINABALIK

MAGANTO

NEW BILIBID PRI

ROMEO MAGANTO

SI MAGANTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with