^

Bansa

Morales sinubpoena na, handang tumestigo vs CJ

-

MANILA, Philippines - Handang tumestigo si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa impeachment court sa Senado kung siya ang isa sa magiging dahilan para maliwanagan ang usapin sa sinasabing $10 milyong deposito ni Chief Justice Renato Corona.

Kahapon ay nagpalabas na ng subpoena ang impeachment court laban kay Morales at apat pa na sina Akbayan Rep. Walden Bello, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel, Emmanuel Santos at Harvey Keh. 

Pinahaharap sila sa Lunes, Mayo 14.

Ang pagpapatawag sa mga nabanggit ay isa sa kahilingan ng depensa bago maiharap dito si CJ Corona na nagsasabing nais na ding humarap sa paglilitis  ng korte.

“Yes, I issued the subpoena today,” pagkumpirma ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Inatasan din ang mga nabanggit na personalidad na dalhin sa kanilang pagharap sa impeachment court ang orihinal na kopya at certified true copies ng kanilang reklamo laban kay Corona.

Ipinaliwanag pa ni Enrile na bagaman at isang mam­babatas si Bello kung saan dapat igalang ang tinatawag na inter-parliamentary courtesy mistulang ini-waive na umano nito ang nasabing pribilehiyo ng tumayong isa sa mga complainant laban kay Corona. (Angie dela Cruz/Malou Escudero/Butch Quejada)

vuukle comment

AKBAYAN REP

BUTCH QUEJADA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

EMMANUEL SANTOS

HARVEY KEH

MALOU ESCUDERO

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

RISA HONTIVEROS-BARAQUEL

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

WALDEN BELLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with