Pinoy na nakuryente sa Jeddah sasaklolohan
MANILA, Philippines - Tutulungan ng gobyerno si Alfredo Salmos, ang Pinoy na nakuryente habang nagtatrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, makikipag-ugnayan sila sa Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) tungkol sa nasabing kaso ng OFW.
Kabilang umano sa matatanggap na tulong ni Salmos ang assistance na ibinibigay ng OWWA at titingnan din kung paano matutulungan ang pamilya nito.
Nauna rito, may ulat na lumapit na ang isang grupo ng migrant workers group sa Middle East sa Philippine Consulate at saka sa OWWA official sa Jeddah pero wala pa umanong natatanggap na tulong ang nasabing OFW.
Tiniyak ni Valte na aayudahan si Salmos at kakalampagin ng Malacañang ang kinauukulang ahensiya para sumaklolo rito.
- Latest
- Trending