Tindahan ng karne binabantayan
MANILA, Philippines – Inutos ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa city veterinary office na bantayan ang mga tindahan ng karneng baka sa lahat ng palengke na matatagpuan sa lungsod upang maiwasang may makalusot na kontaminado ng mad cow disease bunsod ng ulat na pagkakaroon ng mad cow disease sa mga alagang baka na inaangkat ng Pilipinas partikular na sa US, France, Canada at European Union.
Ang mad cow disease na tinatawag din ng mga beterinaryo na Bovine Spongiform Encephalopathy (BSE) ay nagmumula sa utak at spinal cord ng baka at kaya ito tinawag na mad cow ay mistulang napa-praning ang naturang hayop na nagkakaroon ng sakit na ito.
Ayon pa sa DOH, ang mad cow disease sa tao ay tinatawag naman na variant Creuzfeldt-Jacob Disease (vCJD) na maaaring makuha ng isang tao na nakakain ng beef products na ang central nervous system tissue ay kontaminado. Ilan din sa mga sinasabing sintomas ng vCJD ay ang depresyon at pagkawala ng koordinasyon sa paglalakad at pagsasalita na hindi agad nakikita sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) maliban lamang kung malala na ang taong may sakit nito.
- Latest
- Trending