^

Bansa

Libong trabaho iaalok sa Labor Day

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nasa 1,000 trabaho sa lokal at overseas na mga kompanya ang iaalok sa 2012 Labor Day Job Fair sa pangunguna ng Department of Labor and Employment.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, bukod sa nasabing 1,000 bagong trabaho nag-aalok din nag gobyerno sa pamamagitan naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 90,865 summer jobs para sa mga kabataang naka-bakasyon at sa mga out of school youth.

May balak din umano si Pangulong Aquino na makipag-dayalogo sa iba’t ibang labor leaders sa bansa pero hindi pa alam kung ano ang magiging detalye ng pag-uusapan na may kinalaman sa Labor Day.

Ipinaalala rin ni Valte ang ipinalabas ng DOLE na department order kung saan nagsasabing ang mga contractual workers ay dapat pa ring makatanggap ng mga benepisyong nararapat sa kanila.

Bilang bahagi rin umano ng pagdiriwang ng Labor Day, dapat paalalahanan ang mga employers na bigyan ng proteksiyon ang karapatan at benepisyo ng mga contractual emplo­yees.  

AYON

BILANG

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAL VALTE

IPINAALALA

LABOR DAY

LABOR DAY JOB FAIR

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with