^

Bansa

P125 umento tinabla ng M'cañang

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Malacañang na malabo na talagang suportahan nito ang isinusulong na P125 legislated wage hike na halos 14 taon ng nakabinbin sa Kongreso.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, may mga rason kung bakit inilagay ang iba’t ibang wage boards dahil iba’t iba ang mga industriya sa bansa.

Sinabi pa ni Valte na iba-iba rin ang kapakanan ng mga negosyante, sitwasyon at standards ng mga empleyado sa mga rehiyon kaya hindi maaring magka-pare-pareho ang dagdag sa sahod na ipinatutupad sa buong Pilipinas.

Itinayo umano ang mga wage boards upang alamin ang kondisyon ng mga manggagawa na hindi naman pare-pareho ang sitwasyon.

Ipinaliwanag rin ni Valte na kung ipatutupad ang legislated wage hike posibleng may mga employers na hindi makasunod dahil sa mas maliit ang kanilang kinikita kumpara sa iba.  

vuukle comment

ABIGAIL VALTE

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL

IBA

IPINALIWANAG

ITINAYO

KONGRESO

MALACA

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with