20,000 guro pumasa sa LET
MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang pagpasa ng higit sa 20,000 guro sa licensure exam na ibinigay ng Professional Regulatory Commission (PRC) sa buong bansa.
Sa datos ng PRC at Board for Professional Teachers (BPT), nasa 13,925 guro sa elementarya buhat sa 32,798 examinees, 56 na nagtapos ng Accelerated Teacher Education Program (ATEP) at 7,149 guro sa high school ang pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) na ibinigay nitong Marso 11, 2012 sa 12 testing centers sa buong Pilipinas.
Sinabi pa ng kalihim na magiging malaking tulong ang mga bagong propesyunal na guro sa sistema ng edukasyon na dadaan ngayon sa pinakamalaking pagsubok sa darating na pasukan sa pag-uumpisa ng pagpapatupad ng K+12 program.
- Latest
- Trending