^

Bansa

Grupo ng drug addict tatakbong partylist

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang grupo ng mga umano’y drug addict ang kabilang sa 172 nagsumite ng kanilang apli­kasyon para sa accreditation ng Commission on Elections (Comelec) para makalahok sa partylist elections. 

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, itinakda na sa Mayo 2 ang pagdinig at nai-raffle na rin ito sa iba’t ibang mga division. 

Sa katunayan aniya, kabilang sa mga gustong magpa-accredit ang isang grupo ng mga drug addict. 

Ani Brillantes, susuriin mabuti ang motibo ng mga grupo lalo na kung hindi naman ito para sa nakararami.

Hindi rin papayagan ng Comelec na lumahok ang 61 grupo na natalo sa nakalipas na eleksyon. 

Tiniyak naman ni Brillantes na dadaan sa masusing pagsala ang mga nag-apply for accreditation upang maiwasan ang kontrobersiya sa nalalapit na halalan.

Partikular na tinukoy ni Brillantes ang mga grupo na kabilang sa mga natalo noong 2010 elections at nagpalit lang ng pangalan.

ANI BRILLANTES

AYON

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

ISANG

PARTIKULAR

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with