^

Bansa

Uminom ng 13 baso ng tubig vs init

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Heath (DOH) ang publiko na ugaliing uminom ng 13 tasa o baso ng tubig kada araw upang maibsan ang sobrang init ng panahon ngayong summer.

Ayon kay DOH spokesperson Dr. Eric Tayag, huwag ipagwalang-bahala ang nararamdamang init ng panahon ngayon lalo pa’t base sa huling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ay lalo pang magiging mainit ngayong linggo sa Metro Manila.

Nabatid na aabutin sa 33 degrees Celsius hanggang 35 degrees Celsius ang temperatura sa Kalakhang Maynila, gayundin sa maraming lugar sa buong bansa.

Ipinayo rin ni Tayag sa publiko na mabuting huwag na lamang lumabas ng bahay sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon dahil sa mga oras na ito mararanasan ang pinakamatinding sikat ng araw.

Pinayuhan din ni Tayag ang publiko na magdala ng payong at pamaypay tuwing lalabas ng bahay.

Sa mga maliligo sa beach, dapat aniya na dalawang oras lamang magtagal sa ilalim ng araw at lagi ring maglagay ng sunblock na may 35 sun protection factor (SPF).

Ayon kay Tayag, dapat itong i-apply sa katawan 30 minuto bago lumabas ng bahay.

AYON

DR. ERIC TAYAG

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

IPINAYO

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PINAYUHAN

TAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with