^

Bansa

Tambay na kabataan dadami

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkaalarma ang mga grupo ng kabataan sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga kabataang tambay o walang trabaho.

Sinabi ni Vencer Cri­sostomo, secretary general ng grupong Kabataan, base sa pag-aaral ng Ibon Foundation ay 50 percent ng 4.5 milyong Pinoy na walang trabaho ay pawang mga kaba­taan na may edad 15 hanggang 24 anyos.

Apat naman sa 10 kabataang walang trabaho ay degree holder o nagtapos ng college.

Binigyang diin ni Cri­sostomo na malamang na dumami pa ang bilang ng mga tambay ngayon lalupa’t pumayag ang Commission on Higher Education (CHED) na maitaas ang matrikula sa maraming paaralan sa bansa.

Dahil anya sa mahal ang matrikula, malamang umanong ito ang maging ugat ng pagdami pa ng bilang ng mga kabataang hindi makakatapos sa college at mas may maliit na oportunidad na makapagtrabaho.

APAT

BINIGYANG

CRI

DAHIL

HIGHER EDUCATION

IBON FOUNDATION

KABATAAN

NAGPAHAYAG

PINOY

VENCER CRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with