PNoy pinawi ang pangamba sa power crisis sa Mindanao
MANILA, Philippines - Pinawi ni Pangulong Benigno Aquino III ang pangamba ng mga residente ng Mindanao na aabot sa P14 kada kilowatt hour ang ibabayad nila sa kuryente dahil sa paggamit ng kuryente mula sa power barges.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa energy summit na ginanap kahapon sa Waterfront Insular hotel sa Davao City, walang katotohanan na aabot sa P14/KWH ang ibabayad ng mga residente ng Mindanao para sa kanilang kuryente.
Siniguro din ng Pangulo na kasalukuyang kinukumpuni ang hydro electric power plant na pangunahing source ng kuryente sa Mindanao pero habang inaayos pa ito na tatagal ng 30 buwan ay puwedeng maging alternative source ang mula sa mga power barges.
Bumuo din ang Pangulo ng Mindanao power monitoring committee na siyang mag-aaral at magsisiguro na hindi magiging mabigat ang bayarin sa kuryente sa Mindanao.
Wika pa ni PNoy, naglaan ang gobyerno ng P7.24 bilyon para sa hydro electric power plants sa Mindanao particular para sa rehabilitasyon ng Agus 6 at Agus 2 hydro power plants.
Nagsagawa naman ng protesta ang Greenpeace environmental group upang tutulan ang pagtatayo ng mga coal-fired power plant sa Mindanao.
- Latest
- Trending