Uulan ng bulalakaw
MANILA, Philippines - Muli na namang makikita ang pag-ulan ng bulalakaw sa kalangitan o ang tinatawag na Lyrids meteor shower.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang meteor shower ay magaganap Abril 21 hanggang ala-1 ng madaling araw sa Abril 22 at ito ay makikita ng mga tao may mahigit 2,600 taon o noong 687 B.C.
Gayunman, ayon sa PagAsa sa kasalukuyang panahon, ang Lyrids ay mahina.
Noong una ang bulalakaw na ito ay parang ulan na makikita sa kalangitan kada oras, makinang at mabilis.
Samantala sa Abril 7, ang Mars ay matatagpuan sa zenith habang ang Saturn ay makikitang mataas sa 33 degrees ng east-southeastern horizon.
Ang Mercury ay mababa sa eastern horizon habang ang Neptune ay makikita bago mag-madaling araw sa buong buwan sa may eastern horizon.
Ang Uranus ay unti-unting tataas mula sa eastern sky sa pagdaan ng mga araw.
- Latest
- Trending