'Bantay Expressway' sa Semana kasado na
MANILA, Philippines - ?Bilang paghahanda sa Semana Santa, magpapatupad ngayon ng “Bantay Expressway” ang Toll Regulatory Board (TRB) sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).
Sa pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni TRB Director Edmund Reyes Jr. na prayoridad ng kanyang tanggapan ang “kaligtasan” ng mga motorista partikular na ngayon na tiyak na tataas sa 20 porsiyento ang dadaang motorista sa NLEX at SLEX dahil marami ang uuwi sa mga probinsiya.
Tiniyak ni Reyes na wala silang sasantuhin sa pagpapatupad ng traffic rules kahit pa mga high profile na tao partikular na sa paglabag sa “overspeeding”.
Maari lamang umano magmaneho ng 100/km speed ang mga motorista na may light vehicle habang 80/km speed naman para sa mga bus.
May multang P500 sa unang huli, mas mataas na multa at traffic seminar sa ikalawa, at multa at suspension ng lisensiya ng 6 na buwan sa ikatlong pagkakataon na mahuli.
Tiniyak naman ni Reyes na walang ipatutupad na toll fee increase ngayon sa kabila ng may tatlong petisyon inihain ang mga toll companies.
Gayunman, nagpapatupad na ng diskuwento sa toll fee sa may Magallanes kung saan P30-P20 sa light vehicles at P70-P40 sa mga truck at buses dahil sa isinasagawang konstruksiyon ng Department of Public Works and Highway.
Samantala, inilatag na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad ng mga pasahero sa mga port at ferry terminals sa buong bansa gayundin din ang mga beach resorts.?
Ayon kay PCG spokesperson Lt. Cmdr. Algier Ricafrente, simula sa Marso 29 ay magsisimula na silang magtalaga ng Passenger Assistance Center (PAC) sa lahat ng mga pantalan na magsisilbing sumbungan ng mga pasahero na magkakaroon ng aberya.
Pinayuhan rin ng PCG na pumunta ng tatlong oras na mas maaga sa itinakdang oras ang pasahero para hindi maantala o maabala sa kanilang biyahe.?Tiniyak din ni Ricafrete na bubusisiin din ang mga kargamento ng mga pasahero na sasakay ng barko upang masiguro na walang maipupuslit na matatalas at mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga flammable liquid, toxic substance, mga kemikal at paputok.
Ipinagbabawal din ang overloading sa mga barko upang maiwasan ang anumang trahedya sa karagatan.
- Latest
- Trending