Women's Day lusot na bilang holiday
MANILA, Philippines - Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang gawing non-working holiday ang Marso 8 bilang pagdiriwang ng National Women’s Day o araw ng mga kababaihan.
Layunin ng panukala na amyendahan ang House Bill 3962 na inihain nina Gabriela Party-list Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus ang Republic Act 6949 o An Act to Declare March Eight of Every Year as a Working Special Holiday bilang pagkilala sa naging kontribusyon ng mga babae sa lahat ng aspeto ng national development sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng government agencies kabilang na ang mga attached agencies at Local Government Units, at mga government owned and controlled corporations, sa pamamagitan ng GAD (Gender and Development) Focal Persons, ay kailangang magprepara at magpatupad ng programa para sa selebrasyon ng National Women’s Day kada Marso 8 ng taon.
Dapat din umanong maisulong at maimpormahan ang mga babae sa kanilang karapatan at partisipasyon sa pagsulong ng bansa.
Itinatalaga rin ang Philippine Commission on Women na makipag-ugnayan, magmonitor at masigurong maipatutupad ang naturang panukala kapag ganap nang naging batas.
- Latest
- Trending