^

Bansa

BIR probe sa IT project ng BIR hingi

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sinabi ni  Western Samar Rep. Senen Sarmiento na napalitan na ang dating “under-the-table” na kalakaran sa mga ahensya ng gobyerno dahil sa digitization at full computerization ng government database.

Ikinabahala rin ni Sarmiento ang monopolyo umano ng kompanyang PHILCOX Inc. sa multi-million IT projects ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Umaasa si Sarmiento na magsasagawa ng imbestigasyon si BIR Commissioner Kim Henares upang malaman kung mayroong anomalya sa proyekto ng PHILCOX.

Nakuha umano ng PHILCOX ang 17 IT contracts sa BIR. Noong Disyembre, tatlo sa apat na IT projects ang nakuha ng PHILCOX sa bidding na isinagawa sa isang araw. Nagkaroon ng failed bidding sa ika-apat na kontrata pero sa re-bidding ay nakuha rin ito ng PHILCOX.

Sinabi ni Sarmiento na nakababahala ang balita na ilang IT companies ang nakikipagsabwatan sa mga IT specialist na nasa ahensya ng gobyerno upang maging gatasan ang mga proyekto.

Sinabi ni Sarmiento na mas makabubuti kung ang BIR ang mangangasiwa sa mga ito dahil naglalaman ito ng mga sensitibong impomasyon.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

IKINABAHALA

NAGKAROON

NAKUHA

NOONG DISYEMBRE

SARMIENTO

SENEN SARMIENTO

SINABI

WESTERN SAMAR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with