^

Bansa

Pagbibitiw ni Llamas 'di tinanggap ni PNoy?

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Ayaw kumpirmahin ng Malacañang kung hindi tinanggap ni Pangulong Aquino ang pagbibitiw ni Presidential Adviser Ronald Llamas matapos masangkot ito sa pirated DVD isyu.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi nila alam kung nagbitiw ba si Sec. Llamas at hindi tinanggap ng Pangulo dahil ang alam lamang nila ay ang paghingi ng sorry ni Sec. Llmas sa Aquino administration dahil sa ‘kahihiyan’ na dinulot nito sa pagkakasangkot sa DVD isyu.

Wika pa ni Usec. Valte, ang pagbibitiw o pagbabakasyon ay personal na desisyon ni Llamas pero aalamin daw nito kung totoong nagbitiw ito pero hindi tinanggap ng Pangulo ang kanyang resignation.

Idinagdag pa ng spokesperson, minabuti ni Llamas na manahimik dahil sa mayroong imbes­tigasyon hinggil sa kanya na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Iginiit pa ni Valte, walang untouchable sa Gabinete ni Pangulong Aquino at sinuman sa kanila ay puwedeng maalis sa puwesto anumang oras na gustuhin ng chief executive.

AQUINO

AYAW

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

GABINETE

IDINAGDAG

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL ADVISER RONALD LLAMAS

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with