Recom mananatiling alkalde
MANILA, Philippines - Mananatili bilang alkalde si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri matapos maglabas ng Writ of Preliminary Injunction ang Regional Trial Court (RTC) upang pigilan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa paghahain ng suspension order laban sa alkalde at tatlo pang opisyal ng lungsod.
Base sa 2-pahinang kautusan ni Caloocan City RTC Branch 125 Judge Dionisio Sison, pinaboran nito ang inihaing petisyon ng kampo ni Echiverri upang makakuha ng Writ of Preliminary Injunction.
Isa sa mga isinumiteng dokumento ng kampo ni Echiverri sa sala ni Judge Sison upang makakuha ng Writ of Preliminary Injunction ay ang naunang desisyon ni RTC Branch 128 Eleonor Kwong na naunang naglabas ng tatlong araw na TRO.
Matatandaan na unang nagsampa ng kaso si Vice Mayor Egay Erice sa Office of the Ombudsman noong July ng nakalipas na taon laban kina Echiverri, City Treasurer Evelina Garma, City Budget Officer Jesusa Garcia at City Accountant Edna Centeno dahil umano sa hindi pagbabayad ng monthly contribution ng mga city hall employees sa Government Service Insurance System (GSIS).
Matapos lamang ang isang araw ay naglabas ng kautusan si dating acting Ombudsman Orlando Casimiro na nagbibigay ng six month preventive suspension kay Echiverri at sa tatlo pang city hall officials.
- Latest
- Trending