^

Bansa

Lapid walang balak sundan ang misis sa US

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Wala pang balak si Senator Lito Lapid na sumunod sa kaniyang asawa sa Amerika na kinasuhan doon matapos mahulihan ng nasa $50,000 noong nakaraang taon.

Ito ang sinabi kahapon ni Alex Marcelino, media relation officer ni Lapid tungkol sa kinakaharap na problema ng kaniyang boss.

Inihayag ni Marcelino na nasa Amerika na ang anak ng senador na si Mark Lapid, general manager ng Philippine Tourism Authority (PTA) kaya mananatili na lang sa bansa ang senador.

Itinakda na umano sa Pebrero 7 ang preliminary hearing sa kasong kinakaharap ng asawa ni Lapid na si Marissa.

Ayon pa kay Marcelino, palagi namang nakakausap ng senador ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng telepono.

Kamakalawa ay sini­gurado ng senador na haharapin ng kaniyang asawa ang kaso at mayroon na rin silang abogado.

Samantala, pinabulaanan din ng media officer ni Lapid ang ilang ulat na gagamitin umano sa  casino ang $50,000 na nakuha kay Mrs. Lapid sa airport.

vuukle comment

ALEX MARCELINO

AMERIKA

AYON

INIHAYAG

LAPID

MARCELINO

MARK LAPID

MRS. LAPID

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

SENATOR LITO LAPID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with