^

Bansa

Palpak na prosecs palitan!

- Nina Gemma Garcia at Malou Escuero -

MANILA, Philippines - Upang maisalba mula sa kahihiyan ang Kamara de Representates dahil sa umano’y palpak na paghawak ng prosecution team sa impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, isang resolusyon ang ihahain ng oposisyon upang mapalitan ang mga kongresistang humahawak nito.

Ayon kina House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, Anad party list Rep. Pastor Alcover at Siquior  Rep. Orlando Fua, dahil sa palpak na diskarte ng prosecution team sa pangunguna ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. ay nagmumukha lang katawa-tawa ang mga ito na kitang-kita ng buong bansa.

Giit ng mga mamba­batas, maging sila sa kani-kanilang mga distrito ay pinagtatawanan ng kanilang mga constituents kahit hindi sila pumirma sa impeachment complaints dahil sa pinaggagawa ng kanilang mga kasamahang kongresista sa impeachment trial.

Bukod dito halatang-halata din umano na hindi handa ang prosecution team ng tanungin ni Senator-Judge Miriam Santiago si Tupas kung ilan ang ipiprisinta nitong testigo at dokumento subalit umiiling-iling lamang ang kongresista at nagsalita na ikukunsulta muna niya sa mga abogado.

Nagbiro din ang mga kongresista kung papayag lang sana si dating Minority leader at Albay Rep. Edcel Lagman ay ito na lamang ang dapat na maging leader ng prosecution team dahil magaling ding abogado at bihasa dahil lumalabas umano na ang depensa at Senator-Judges lamang ang nagpapagalingan sa impeachment trial.

Maging si Senate President Juan Ponce Enrile, presiding officer sa impeachment trial, ay nagsabing kulang sa pag-aaral ang mga prosecution team at mistulang hindi nila alam ang hinahawakang kaso laban sa chief justice.

Ginawa ni Enrile ang pahayag isang araw ma­tapos ireklamo ni Rep. Tupas na ginagawa ni Enrile na “criminal trial” ang proceedings sa paglilitis.

Mistulang sinisi rin ni Enrile ang panig ng pro­sekusyon dahil sa kawalan ng mga ito ng paghahanda gayong noon pang Disyembre inihain ang Articles of Impeachment sa Senado pero hanggang kamakalawa ay hindi pa kumpleto ang listahan ng kanilang mga testigo at mga dokumentong gagamitin bilang ebidensiya.

Dahil dito kaya’t iminungkahi ni Rep. Alcover na i-withdraw na lamang ng prosecution ang kanilang impeachment complaint at kung kailan na lamang handa ay saka ulit maghain ng reklamo matapos ang isang taon.

Tutol naman dito si Fua na isa rin abogado at sinabing kung iwi-withdraw ang reklamo laban sa Punong Mahistrado at muling maghahain ay magkakaroon lamang ng usapin sa double jeopardy bukod dito dapat na ibang reklamo na ang ilagay at isama na dito ang kasong ill-gotten wealth na hindi nakasaad ngayon sa article 2 ng impeachment complaint at siya rin ngayong pinagtatalunan ng prosekusyon at depensa.

ALBAY REP

ARTICLES OF IMPEACHMENT

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DAHIL

DANILO SUAREZ

EDCEL LAGMAN

ENRILE

HOUSE MINORITY LEADER

IMPEACHMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with