^

Bansa

Lagman nagbitiw bilang minority leader

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Naresolba na ang agawan sa puwesto sa pagitan ng liderato ng Minorya matapos na mag­bitiw kahapon sa puwesto si House Minority leader Edcel Lagman.

Sa kaniyang pahayag ay pinangatwiranan ni Lagman na mas minarapat niyang magbitiw kahit walang sapat na suporta si Quezon Rep. Danilo Sua­rez upang mapagbigyan si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. 

Bukod dito, nagbi­tiw din si Lagman bilang Chairman at miyembro ng  Lakas-CMD at bilang  Vice President ng Centrist Democrats International (CDI), worldwide organization ng Christian and Muslim Democratic parties,kung saan kabilang ang  Lakas-CMD.

Idinagdag pa nito na  matitigil na rin ang uma­no’y sapilitang pagpapapirma ni Suarez ng suporta mula sa mga kasamahan sa minorya na siyang nagpapababa sa mga miyembro ng opo­sisyon.

Ito ay dahil meron umanong mga miyembro ng oposisyon na pumir­ma ng suporta kay Lagman subalit pumirma din kay Suarez.

“I cannot continue serving a political aggrupation which deliberately refuses to recognize com­ petent, militant and res­ponsible leadership and would opt to follow blindly the importuning of former President Arroyo,” paliwanag pa ni Lagman

Samantala, inamin ni Suarez sa telepono na wala siyang personal na impormasyon sa pagbi­bitiw ni Lagman at ikinagulat niya ang biglang pagbibitiw nito.

CENTRIST DEMOCRATS INTERNATIONAL

CHRISTIAN AND MUSLIM DEMOCRATIC

DANILO SUA

EDCEL LAGMAN

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE MINORITY

LAGMAN

LAKAS

PAMPANGA REP

SHY

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with