Ika-3 oil price hike nakaamba
MANILA, Philippines - Nakaamba ang ikatlong oil price hike matapos segundahan ng independent oil company ang pahayag ng Department of Energy (DOE) na magtutuluy-tuloy ang paglobo ng presyo ng produktong petrolyo ngayong darating na linggo.
Ito’y matapos ang dalawang magkakasunod na oil price hike nito lang nakaraang linggo.
Ayon kay Independent Philippine Petroleum Companies Association Fernando Martinez, kinumpirma nito kahapon ang tuloy tuloy na pagsirit ng presyo ng langis sa world market kung kaya’t asahan rin ang pagtaas pa ng presyo nito sa local market.
Bagama’t inaasahan umanong tataas ito sa susunod na buwan hanggang Marso, wala naman binanggit si Martinez kung magkano ang posibleng itataas.
Nitong nakaraang linggo, dalawang beses nagpatupad ng dagdag presyo ang mga oil companies.
Ang una’y umabot sa P1.75 kada litro sa gasolina habang P1.50 sa diesel, habang ang pangalawang pagtaas ay umabot naman sa 80 sentimos kada litro sa gasolina, 50 sentimos sa diesel at 40 sentimos sa kerosene.
- Latest
- Trending